Saturday, November 27, 2010
:: My Majesty ::
Saturday, September 25, 2010
Monday, August 30, 2010
::Love Is Worth The Risk ::
Saturday, August 28, 2010
:: The Embrace ::
For being so damn tired just by thinking of you.
Thursday, August 26, 2010
::Mistakes::
Wednesday, August 25, 2010
:: Fifteen Days ::
Sunday, August 22, 2010
:: Inescapable Fear ::
Tuesday, August 17, 2010
::Forbidden Road::
CAPTURED BY YOU
An unexpected soul captured my attention
With a little span of time I felt the tension
I started to invest emotion
With just a wink you became a part of my imagination
I tried to stop
I tried so hard
I tried to fight this special feelings that's starting to grow inside of me
Because I know, we're both not free
I feel terribly sad when we're not talking
I feel so lonely when you are working
But when we started our endless chatting
I found myself smiling
Pretty face that captured my heart
Pretty smile that hits me like a dart
Sweet voice that shutter my thoughts
Sweetness that's so irresistible
I tried to escape from you
I tried to avoid you
All my attempts failed
All my fears and doubts fade
I shouldn't be feeling this way
But I can't stop to care
I should not love you
But I can't stop to stare
How can I stop
When my heart doesn't want to?
How can I move on?
When all I want is you?
When I fell in love with you
It makes me realize that heart can love two
I know it was wrong
But the attraction's so strong
I was mesmerized by your smile
Enjoyed our conversation from a mile
Eventually you became mine
And that makes my life so dandy and so fine
I am longing to hug you
And feel your warm embrace
I'm dying to touch you
And hold you in my arms
Dear, if Loving you is a crime
Then I am guilty.
"You are my right kind of wRong"
For my Dear
Mali man para sa iba ang sa atin.
Nais kong ipaalam sayo
Na sayo ang puso ko
Mali man ang ibigin ka
MAyroon ka mang iba
Ikaw ang nilalaman ng puso ko
Kaya hanggang ngayon nandito ako
Sa palagay mo ba solusyon ang iwan mo ako?
Para maiwasan ang ibang tao na masaktan?
Nahihirapan lang naman ako kase gusto kita makasama
Tapos lalayuan mo ko? iiwan mo ko? ang ganda ng solusyon mo.
Ganon lang pala tlga ako kadaling iwan para sau..
Sana maramdaman mo ang pagmamahal ko
Nakakabaliw na ang ibigin ka
Nakakasira na ng ulo pag namimis kita
Pero mahal na mahal kita
Kaya sana wag mong gawing dahilan ang iwan ako
Para sa sinasabi mong guiltiness at kaligayahan ko
Dahil ikaw yung kasiyahan ko.
Monday, April 12, 2010
Berso ng aking pag ibig
Ninais ng pusong ibigin ka
Hindi ka maiwaksi sa isipang gising na gising ang diwa
Sa aking panaginip ninanais kang makapiling
Sa reyalida nais kitang angkinin
Ang mundo kong puno ng pait at pasakit
Tanging pagmamahal mo lang ang makakapawi
Sa iyong piling nais kong mahimlay
Upang makadama ng ginhawang tunay
Unang halik
Sadyang kay tamis
Habang aking binabalikan sa aking isipan
Puso ko ay lalong nagsusumigaw
Pag ibig na wagas ang nais kong ialay
Sa iniirog na sangay ng aking kaligahayan
Kung aking lilimiin ang aking sarili
Sa kaibuturan ng aking puso ikaw ang itinitibok nito
Kirot ang dulot ng sa iyo ay mawalay
Kahit sandali nais kong sayo ay nakadantay
Tamang panahon lamang ang aking hinihintay
Upang ikaw ay tuluyan kong mapaglingkuran
Ang saktan ka ang huling bagay na aking nanaisin
Lahat ng mayroon ako ay aking gagawin at gagamitin
Lahat ng sakit at pait ay aking titiisin
Huwag ka lang mawalay sakin
Iwaglit sa iyong isipan
Na hindi ako gumagawa ng paraan
Upang ikaw at ako ay magkapiling
Sapagkat sa Diyos yun ang aking pinakahihiling
Subalit sadyang kay pait ng tadhana
Bakit kailangang pgdaanan ang pagdurusa
Hindi ba nila nakikita?
Itinakda tayo para sa isat isa
Hinihiling ko na lang ngayon
Na sana kahit ano pa ang panahon
Maging matatag tayo sa lhat ng pagsubok
Dahil para sayo hindi ako susuko
Bawat sandaling kapiling ka
Ligaya sa puso ko ang dala
Bawat halakhak at ngiti mo
Tumutunay sa aking pagkatao
Walang sandaling ikaw ay nawaglit sa isipan
Walang panahong hindi ikaw ang hinahangad
Subukan mong buksan ang aking puso
At doon mababanaag mo ang pag ibig ko sayo
Dilat ang aking mata ng ikaw ay aking inibig
Pikit matang tinanggap ang masasakit at mapanirang nakaraan
Walang bahid ng pagsisisi
Na pinili ka ng puso kong dating sakim
Liwanag ang hatid mo sa buhay ko
Wari bang magaan ang lahat ng bagay sa mundo
Tahimik ang buhay at walang gulo
Tanging pag ibig lang ang nadarama sa puso
Dama ko ang hirap ng ating pinagdadaanan
Pakiramdam ko pasan ko ang mundo sa aking likuran
Ngunit hindi ito magiging hadlang kaylanman
Upang ikaw ay aking talikuran at layuan
Kaya aking mahal
Sana isipin mo lagi ang aking pagmamahal
Maging sangay sana ito ng iyong lakas
Upang labanan ang sakit, pait at pagdurusa
upang ang tanging maiwan ay ang pag ibig nating wagas