Monday, April 12, 2010

Berso ng aking pag ibig

Ninais ng pusong ibigin ka

Hindi ka maiwaksi sa isipang gising na gising ang diwa

Sa aking panaginip ninanais kang makapiling

Sa reyalida nais kitang angkinin

Ang mundo kong puno ng pait at pasakit

Tanging pagmamahal mo lang ang makakapawi

Sa iyong piling nais kong mahimlay

Upang makadama ng ginhawang tunay


Unang halik
Sadyang kay tamis

Habang aking binabalikan sa aking isipan

Puso ko ay lalong nagsusumigaw


Pag ibig na wagas ang nais kong ialay

Sa iniirog na sangay ng aking kaligahayan

Kung aking lilimiin ang aking sarili

Sa kaibuturan ng aking puso ikaw ang itinitibok nito


Kirot ang dulot ng sa iyo ay mawalay

Kahit sandali nais kong sayo ay nakadantay

Tamang panahon lamang ang aking hinihintay

Upang ikaw ay tuluyan kong mapaglingkuran


Ang saktan ka ang huling bagay na aking nanaisin

Lahat ng mayroon ako ay aking gagawin at gagamitin

Lahat ng sakit at pait ay aking titiisin

Huwag ka lang mawalay sakin


Iwaglit sa iyong isipan

Na hindi ako gumagawa ng paraan

Upang ikaw at ako ay magkapiling

Sapagkat sa Diyos yun ang aking pinakahihiling


Subalit sadyang kay pait ng tadhana

Bakit kailangang pgdaanan ang pagdurusa

Hindi ba nila nakikita?

Itinakda tayo para sa isat isa


Hinihiling ko na lang ngayon

Na sana kahit ano pa ang panahon

Maging matatag tayo sa lhat ng pagsubok

Dahil para sayo hindi ako susuko


Bawat sandaling kapiling ka

Ligaya sa puso ko ang dala

Bawat halakhak at ngiti mo

Tumutunay sa aking pagkatao


Walang sandaling ikaw ay nawaglit sa isipan

Walang panahong hindi ikaw ang hinahangad

Subukan mong buksan ang aking puso

At doon mababanaag mo ang pag ibig ko sayo


Dilat ang aking mata ng ikaw ay aking inibig

Pikit matang tinanggap ang masasakit at mapanirang nakaraan

Walang bahid ng pagsisisi

Na pinili ka ng puso kong dating sakim


Liwanag ang hatid mo sa buhay ko

Wari bang magaan ang lahat ng bagay sa mundo

Tahimik ang buhay at walang gulo

Tanging pag ibig lang ang nadarama sa puso


Dama ko ang hirap ng ating pinagdadaanan

Pakiramdam ko pasan ko ang mundo sa aking likuran

Ngunit hindi ito magiging hadlang kaylanman

Upang ikaw ay aking talikuran at layuan


Kaya aking mahal

Sana isipin mo lagi ang aking pagmamahal

Maging sangay sana ito ng iyong lakas

Upang labanan ang sakit, pait at pagdurusa

upang ang tanging maiwan ay ang pag ibig nating wagas